Tuesday, November 29, 2005
"Bad Move"
Hmm..Bad move nga ba? marami akong nagawa last week na hindi ko alam kung tama...at kung bakit ko nagawa. Tama? hindi ko alam kasi sino na nga ba ngayon ang nagtatakda ng tama sa mundo? Sobrang gulo ng isip ko...langya hanggang ngayon, hindi ko madescribe kung ano talaga ang tumatakbo sa sa utak ko...haay...sa totoo lang wala nanaman talaga akong nararamdaman...matagal na, parang yung nararamdaman nung jellyfish sa sea shore...kahit tusuk-tusukin ng stick ng mga batang nagkulay cholocolate na sa itim sa kakaswimming e, hindi na nakakaramdam..bakit? kasi hindi na niya kinaya...napagod sa lahat ng pinagdaanan niya.. Bakit ganon? lahat ba ng bagay kailingan ng kapalit para makaraos ka at makatawid sa wakas sa kabilang bakod?Haaay...may isang batang tomador ang minsang nagsabi sa akin, habang binabato kami ng kahit anumang bagay na mahawakan niya, na "Mahal mo si __, pero Mahal ka Ba niya?" Kahit hilo-hilo na ako, nde dahil sa ininom kong alak kundi dahil sa ipinaligo niya sa aking lambanog, ay napaisip ako..."Pota! may point 'tong gagung to ah!" ewan ko...pero natapos na rin ang lahat.. lumiwanag, tapos na ang pagbabalat kayo...pwede nanaman akong maging mahina...matino na ulit ako..
Doobiesta @
12:20 PM
|
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>
<$BlogCommentDeleteIcon$><$BlogItemCreate$>
Links to this post:
posted by <$BlogBacklinkAuthor$> @ <$BlogBacklinkDateTime$>
<$BlogItemBacklinkCreate$>
<< Home