Friday, January 20, 2006
Steady lang..

Ganito pala kapag wala kang ginagawa..unti-unting nilalamon ng katamaran ang utak mo at lakas mo. Namamanhid ang likod dahil buong araw na nakahilata sa sofa. Madalas na mabiktima ng mga pesteng lamok sa tuwing libang na libang sa panunuod ng mga pelikula. Parati pang naliligaw sa mundo ng pelikula kung saan madalas kong hinihiling na sana..totoo. Mabuti pa doon, kahit maraming problema, naayos din. Tapos ang paghihirap nila mga 30 to 45 minutes lang ang tinatagal..samantalang dito sa totoong mundo, tuyot ka na sa kakaiyak at kakagawa ng paraan, 'di ka pa rin nakakabangon. Badtrip talaga noh?! Sana nga may lalaking katulad ng ginanapan ni Adam Sandler sa 50 First dates..Sana ang bawat relasyon ng mag-ama ay maayos ng tulad ng sa Finding Nemo. Masaya rin siguro na magkaron ng pusang fluffy na, at nagsasalit pa! Pero wala tayo sa mundo ng pelikula..walang fairy Godmothers at 1 in a million lang ang chance na ikaw pala ay isang apo ng reyna ng isang bansa. Ito ang totoong buhay..masakit, mahirap, minsan masaya, at madalas boring.
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>
<$BlogCommentDeleteIcon$><$BlogItemCreate$>
Links to this post:
posted by <$BlogBacklinkAuthor$> @ <$BlogBacklinkDateTime$>
<$BlogItemBacklinkCreate$>
<< Home